Sasailalim umano sa precautionary MRI si Milwaukee Bucks star Giannis Antetokounmpo sa kanyang kaliwang tuhod.

Batay sa ulat, ito raw ay matapos mamali ng bagsak ang 2019 NBA MVP, at mabalian ng tuhod sa second half ng pagkatalo ng Bucks sa Los Angeles Lakers nitong Sabado.

Bagama’t may iniindang sakit, nananatili pa rin sa court si Antetokounmpo habang nakapaligid sa kanya ang mga teammates nito.

Matapos naman ang game ay nagsuot ito ng compression sleeve, at namataang paika-ika sa locker room.

Dagdag nito, kailangan din ni Antetokounmpo ng tatlong tahi sa labi nito, na nagkaroon ng sugat sa naturang game.