Posibleng bumaba pa sa mas mababa sa minimum operating level na 180 meters ang antas ng tubig sa Angat dam sa hunyo dahil sa El Nino phenomenon.
Sa namonitor na antas ng tubig sa dam umaga ng Lunes, bumaba ito ng 0.11 meters mula sa 200.16 meters sa nakalipas na araw.
Ang elevation ng tubig ay 11.95 meters mas mababa sa normal high water level ng dam na 212 meters bagamat nananatiling 20.05 meters na mas mataas sa minimum operating level nito.
Ayon din kay state weather bureau hydrologist Richard Orindain, sa pagtatapos ng abril ang tubig sa Angat dam ay bumaba sa 189 meters at sa 182.73 meters sa Mayo, mas mababa sa rule curve ng dam.
Ang forecast na ito sa water elevation ng Angat dam ay base sa naunang pronincement ng National Water Resources Board (NWRB) na magbabawas ng alokasyong tubig para sa Metro Manila s 48 cubic meters per second sa Abril mula sa kasalukuyang 50 cms ngayong buwan.
Kung ikumpara naman sa parehong period noong nakalipas na taon, mas mataas pa rin ang antas ng tubig sa Angat dam.