Maging si Department of Interior and Local Government (DILG) Sec. Eduardo Año na ibalik muli sa kulungan ang heinous crime convicts na nakalaya dahil sa Good Conduct Time Allowance (GCTA).
Sa isang panayam kinuwestyon ni Año ang naging computation sa GCTA ng mga nakalayang kriminal.
Pareho rin ang tugon ni Philippine National Police (PNP) chief police Gen. Oscar Albayalde na nagmungkahi na ituring pa ring pugante ang halos 2,000 heinous crime convicts kapag sinuspinde na ang kanilang release orders.
Bukod dito dapat din umano na arestuhin muli ang mga kriminal kahit walang arrest order.
Una ng sinuspinde ng DILG at Department of Justice ang GCTA para bigyang daan ang pag review sa panuntunan ng nasabing batas.
Giit ng kalihim kapag hindi nila matapos sa loob ng 10 araw ang pag review sa IRR ay maaari naman nila itong i-extend muli.