-- Advertisements --

Kinontra ni National Security Adviser Eduardo Año ang panawagan ni United Nations special rapporteur (UNSR) Dr. Ian Fry, na tuluyan ng buwagin ang National Task Force to End Local Communist Armed Conflict (NTF-Elcac).

Ayon kay Año bilang vice chairman ng nasabing taskforce, na hindi nakipag-ugnayan si Fry sa NTF-Elcac bago magbitaw ng nasabing pahayag.

Bilang UNSR na bumibisita sa bansa ay malaya aniya si Fry na makipag-ugnayan sa nasabing taskforce.

Magugunitang sinabi ni Fry na mararapat na buwagin na ang NTF-Elcac dahil sa may mga naiulat na paglabag sa karapatang pantao, at ang ulat na red-tagging sa mga enviromental activists at advocates.