BOMBO DAGUPAN – Aprubado na ang annual budget ng 31 na barangay sa syudad ng Dagupan matapos na hindi umano naaksyunan ng pitong Majority ang mga dokumentong ipinasa sa Sangguniang Panlungsod (SP) noong Disyembre 28 nakaraang taon.
Binigyang-diin ni Councilor Michael Fernandez ang Local Government Code Sec. 57 (b.) na nagsasabing kung ang Sangguniang Panlungsod o Sangguniang bayan ay mabigong magsagawa ng aksyon sa mga ordinansa ng barangay sa loob ng 30 araw mula sa pagtanggap nito, dapat na ring ituring na aprubado ito.
Nagresulta ang nangyaring budget hearing sa pagkakaroon ng mainit na diskusyon sa pagitan ni Councilor Fernandez at ni Councilor Red Erfe Meji kung saan hindi napigilan ng dalawang partido na balikan ang mga nangyari sa nakaraan.
Ipinunto ni Fernandez na kung bakit isang beses lang umanong ginagawa ang comittee hearing gayong mayroong limang araw ng pagtatrabaho.
Dagdag pa nito na dumating naman na si Mayor Belen Fernandez kasama ng lahat ng Department Heads ngunit tila sinabotahe ito ng majority bloc.
Nagbigay din naman ng pahayag si Councilor Mejia bilang tugon sa kay Fernandez at sinabing sana ay magpakatotoo umano itong huli dahil kontra ang mga salitang kaniyang binitiwan sa kaniyang naging serbisyo noong dating administrasyon pa ang namumuno sa syudad.