-- Advertisements --

CENTRAL MINDANAO-Pormal na binuksan ni Governor Emmylou “Lala” Taliño Mendoza ang Animal Mission at Anti-Rabies Vaccination Activity sa Brgy. Osias, Kabacan Cotabato.

Sa kanyang mensahe, sinabi ni Governor Mendoza na ang pamahalaang panlalawigan ay nagsisikap na mapigilan ang nakakahawang sakit sa hayop na maaaring magdulot ng matinding epekto sa livestock at poultry industry ng lalawigan.

Dagdag pa niya, na ang animal mission ay paraan upang mapangalagaan ang kalusugan ng mga domestic at farm animals na bahagi na rin ng pang araw-araw na buhay ng bawat Cotabateño.

Ang grupo ng Office of the Provincial Veterinarian (OPVet) ay nagsagawa ng Animal Mission sa Brgy. Palma Perez at Calunasan, Mlang Cotabato kung saan abot sa 172 pet-owners at 174 magsasaka ang nakapag-avail ng mga serbisyong bitbit ng opisina.

Pagkatapos buksan ang animal mission program, binisita din ng gobernadora ang modular container van for quarantine facilities with amenities ng barangay Osias na pinondohan ng Department of Social Welfare and Development.