Bumoto na ang mga residente sa Estadus Unidos sa midterm election upang matukoy kung sino ang kumokontrol sa Kongreso.
Sa loob ng dalawang taon, ang parehong mga chamber – ang House of Representatives at Senate- ay kontrolado ng mga Democrats.
Pinapaniwalaang makukuha ng Republicans ang House habang gigitan ang labanan sa Senate.
Napag-alaman na anim na estado ang magiging sentro ng political universe ngayong Nobyembre.
Kung maaalala noong taong 2020, natalo si US President Joe Biden sa Arizona, Georgia, Michigan, Pennsylvania at Wisconsin — kasama ang Nevada.
Ang mga estadong ito ay lahat ay may maraming critical races na tutukuyin ang kontrol ng Senado, House at mga state government.
Ang mangyayari sa mga estadong ito ay makakaapekto sa mga isyu tulad ng mga abortion rights, economic policy, education at climate crisis — hindi lamang sa loob ng kanilang mga borders, kundi sa buong bansa.