-- Advertisements --
Tiniyak ng mga ride haling app na Angkas na hindi sila magtaas ng singil sa pagsisimula ng isang linggong tigil pasada.
Ayon kay George Royeca, chief executive officer ng ride-hailing firm na hindi sila mag-susurge sa presyo.
Pagtitiyak nito na gagawin nila ang makakakaya para maisakay ang mga maaapektuhang pasahero.
Nanawagan pa ito sa mga pasahero na agad na isumbong sa kanila sakaling mayroong mapang-abusong Angkas driver mananamantala sa nasabing tigil pasada.










