Angelina and Brad Pitt
-- Advertisements --

Ibinunyag ng Hollywood actress Angelina Jolie na nangamba ito sa kaniyang kaligtasan at ng kaniyang mga anak habang ito kasal pa kay Brad Pitt.

Isinagawa nito ang pagsiwalat kasabay ng paglunsad ng kaniyang librong “Know Your Rights”.

Hindi na nagbigay pa ng anumang detalye ito sa sinabing pinapahalagahan lamang nito ang karapatan ng isang bata.

Aminado ito na nahirapan siyang magdesisyon sa paghain ng divorce sa dating mister.

Magugunitang taong 2016 ng maghain ng divorce ang actress sa asawang si Brad Pitt dahil umano sa pananakit.

-- Advertisement --

Kahit na hiwalay na sila ay patuloy ang kanilang pakikipaglaban sa pagkustodiya ng kanilang mga anak.