-- Advertisements --

Patuloy ang pagpapagaling ng actress na si Angelica Panganiban.

Sumailalim ito sa therapy para magamot ang kaniyang avascular necrosis.

Base sa mga medical expert na ang nasabing sakit ay isang uri ng pagkamatay ng bone tissue dahil sa kakulangan ng suplay ng dugo.

Sinabi ng actress na nagsimulang manakit ang kaniyang binti at balakang habang ito ay buntis.

Matapos ang pagbisita sa Palawan ay nagtungo ito sa pagamutan para ipatingin ang kaniyang baywang subalit matapos ang ilang linggo ay bumalik muli ang sakit.

Dinala pa ito sa Asian Hospital at sumailalim sa ilang gamutan subalit hindi pa rin humupa ang sakit kaya minabuti na ipasuri ito sa ilang eksperto.

Naniniwala ang actress na siya ay tuluyang gagaling mula sa kaniyang sakit.