-- Advertisements --

Nagpositibo sa COVID-19 ang actress na si Angelica Panganiban.

Sa kaniyang social media account ay kinumpirma nito kaya siya ay naka-isolate.

Nagpost ito ng screenshot ng kaniyang video ng fiancee na si Gregg Homan at anak na si Amila Sabine.

Hindi naman nito binanggit kung paano siya nahawaan ng nasabing virus.

Magugunitang isinilang ng actress ang unang anak noong Setyembre 2022.