Humingi ng kapatawaran si Angel Locsin dahil sa pagkakamali niyang pag-indorso kay Senator Koko Pimentel.

Kasunod ito sa kinaharap na batikos sa mambabatas ng hindi ito agad nagpa-quarantine at nagpositibo sa coronavirus disease 2019 o COVID-19.

Itinuturing ng actress na isang mortal na kasalanan ang pag-endorso sa senador.

Reaction ito ng actress sa pagtag sa kaniya ng influencer na si Cat Arambulo sa video post nito kasama ang senator.