-- Advertisements --

Kinumpirma ng Samahang Basketbol ng Pilipinas (SBP) na hindi na mapapabilang sa third window ng 2023 FIBA World Cup qualifiers at sa 2022 FIBA Asia Cup ang Filipino naturalized player na si Ange Kouame dahil sa injuries.

Sa isang statement, sinabi ng SBP na dumanas daw kasi si Kuame ng meniscal sprain at partial ACL tear na posiblng magpa-sideline sa kanya sa naturang dalawang mahahalagang torneyo.

Ngayong araw ay lumipad na rin ang Gilas team patungo sa South Korea para sa exhibition games at hindi na rin kasama si Kuame.

Ang World Cup qualifier naman ay gaganapin sa June 30 sa New Zealand.

Dahil dito, todo kayod ang ginagawa sa paghahanap ngayon SBP sa magiging kapalit ni Kuame na ipinanganak sa Ivory coast at naglalaro sa Ateneo University.

Liban kay Kouame, kasama rin sa 12-man team si Dave Ildefonso pero hindi na rin makakasama dahil din sa injuries.

Ang iba pang miyembro ng line up ay sina Rhenz Abando, Kevin Quiambao, SJ Belangel, RJ Abarrientos, Lebron Lopez, Kiefer Ravena, Dwight Ramos, Geo Chiu, Will Navarro at Carl Tamayo.

Sa ngayon ay tangkang bumawi ng Team Pilipinas matapos magkasya sa silver medal finish sa unang pagkakataon sa ginanap kamakailan na Southeast Asian Games sa Vietnam.