-- Advertisements --

Pinababantayan ni Sen. Sonny Angara sa mga kapwa senador ang deliberasyon ng budget ng Department of Health (DOH) para sa susunod na taon.

Sa isang panayam, sinabi ni Angara, na siya ring chairman ng Committee on Finance, na ito ay bunsod ng mga issue na patuloy pa ring humahabol kay Health Sec. Francisco Duque III.

Ayon kay Angara, magiging factor ng Senate approval sa 2021 budget ng DOH ang magiging tugon sa hihingin nilang mga detalye tungkol sa pamumuno at accountability ng kalihim sa mga issue ng ahensya.

Nilinaw naman ng senador na mananatiling prayoridad ng kanilang deliberasyon ang pangangailangan ng publiko, at hindi ito iipitin dahil kay Duque.

Sa ilalim ng panukalang budget ng DOH, P203-billion ang hinihinging pondo ng tanggapan para sa susunod na taon. Pasok dito ang higit P71-billion na alokasyon sa kontrobersyal din nitong attached-agency na PhilHealth.

Kung maaalala, nadawit ang pangalan ni Duque sa umano’y katiwalian sa loob ng state-health insurer.

Kamakailan nang i-rekomenda ng Senado ang pagkakasali ni Duque sa mga pinakakasuhang opisyal kaugnay ng kontrobersya.