Iginiit ng commander ng US Navy’s Seventh Fleet na ang agresibong pag-uugali ng China sa pinag-aagawang teritoryo, kabilang ang paggamit ng water canon ng Chinese coast guard laban sa sasakyang pandagat ng Pilipinas sa West Philippine Sea noong unang bahagi ng buwan, ay dapat na hamunin at suriin.
Tiniyak ni Vice Admiral Karl Thomas ang Pilipinas na ang Estados Unidos ay nakasuporta sa kinahaharap na mga hamon sa rehiyon.
Ang pinakamalaking forward-deployed fleet ng US Navy, ang Seventh Fleet, na naka-headquarter sa Japan, ay nagpapatakbo ng hanggang 70 barko na may humigit-kumulang 150 sasakyang panghimpapawid at mahigit 27,000 na mga sailors o mandaragat.
Ito ay nagpapatakbo sa isang lugar na 124 milyong square km mula sa mga base sa Japan, South Korea at Singapore.
Inihayag ni Thomas na nakipagdayalogo siya kay Vice Admiral Alberto Carlos, ang pinuno ng Philippine Western Command na nangangasiwa sa West Philippine Sea, upang maunawaan nito kung ano ang kanyang kinahaharap na hamon at upang matulungan ito.
Kung matatandaan, nanalo ang Pilipinas ng international arbitration award laban sa China noong 2016, matapos sabihin ng tribunal na walang legal na batayan ang malawakang pag-angkin ng Beijing sa soberanya sa karamihan ng West Philippine Sea.
Ang China ay nagtayo ng militarized at manmade na mga isla sa pinagaagawang teritoryo at ang pag-angkin nito ng makasaysayang soberanya ay nag-overlap sa exclusive economic zone ng Pilipinas, Vietnam, Malaysia, Brunei at Indonesia.
Gayunpaman,hindi naman agad tumugon ang Chinese Embassy in Manila kaugnay dito.