Maingay na ang labanang Andy Ruiz at Luis Ortiz sa heavyweight division ngunit hindi pa agad ito magaganap.

Ayon kay Ruiz, nais muna niya ng isang warm-up fall bago sumabak sa isang matinding kalaban.
Ito ay matapos matalo kay Anthony Joshua sa Saudi Arabia upang mabawi ang unified heavyweight belts.

Aminado si Ruiz na matunog ang Ruiz-Ortiz na laban kung kaya’t sakaling matuloy ay nais niyang maging handa bago harapin ng tinaguriang “King Kong.”

Sa kabilang banda, si Ortiz ay galing sa dalawang knockout losses mula kay Deontay Wilder.

Naging maingay din ang labanang Ortiz kontra Dillian Whyte.

Ayon mismo kay promoter Eddie Hearn ay nagkaroon ng usapan ukol dito ngunit hindi ito nauwi sa isang kasunduan.

Si Whyte ay dati ring heavyweight champion na nais ibalik ang dangal sa kanyang pangalan matapos pataobin ni Anthony Joshua, ang kanyang nag-iisang talo.

Haharapin ngayon ni Whyte ang dati ring heavyweight champion na si Alexander Povetkin na gaganapin sa United Kingdom sa ika-dalawa ng Mayo.