-- Advertisements --
Kinumpirma ni Labor Acting Secretary Francis Tolentino na pansamantalang hindi muna maipapatupad ang P85 minimum wage hike sa Metro Manila kasunod ng utos ng korte.
Ito ay matapos maglabas ang Pasig Regional Trial Court (RTC) ng isang status quo ante order noong Hulyo 24, isang araw bago ang itinakdang implementasyon.
Dito, iniutos ni Executive Judge Achilles Bunauitan na panatilihin muna ang dating wage rate bago ang inaprubahang umento.
Ayon kay Secretary Tolentino, malungkot man ang desisyon ay igagalang at susunod ang kagawaran sa utos ng korte.
Ang unang tranche ng taas-sahod (P60) ay orihinal na nakatakdang maging epektibo noong Hulyo 25, 2026.
















