Ipinagmalaki ni Derek Ramsay na kapwa nakaharap na nila ni Andrea Torres ang kani-kanilang mga magulang.

Pahayag ito ng 42-year-old British-born Filipino celebrity kasunod ng pag-amin sa unang pagkakataon na girlfriend na nito ang 29-year-old actress.

Ayon kay Derek, unang pagkakataon din sa kanyang buhay na lagi nitong ka-text ang ina ni Andrea habang mahirap din paghiwalayin ang kani-kanilang ama kapag nag-bonding.

“We both enjoy being with each other, whether it’s at work. We are more than friends. We’re at that stage na we both have feelings for each other,” ani Ramsay.

Dagdag pa nito na hindi lang daw sila “physically attracted,” bagkus ay “deeper than that” dahil naka-faceoff na ang mga magulang.

“My mom’s exact words were: ‘Yan ang babaeng may breeding,” say pa ni Ramsay.

Sa panig ni Andrea, unang beses daw talaga siyang naging “vocal” sa kanyang love life.

“Sobrang saya. Ngayon din lang ako nagpu-post nang hindi family or work, sarili ko, kaya siguro halatang-halata. Minsan, kapag masyado kang happy, parang hindi mo ma-keep sa sarili mo. So, hindi mo na rin ino-overthink, nagpu-post na lang ako,” ani Torres.

Nagkuwento ang bagong “love birds” sa huling gabi ng taping ng kanilang kinatatampukang drama series.

Bago kay Andrea, galing si Derek sa longtime relationships sa aktres na si Angelica Panganiban gayundin sa wellness speaker na si Joanne Villablanca.