Nilinaw ng aktres na si Andi Eigenmann na may permiso ng kanyang doktor ang pagsabak nito sa surfing session sa gitna ng pagbubuntis.

Nabatid na nasa Siargao ang 28-year-old actress kasama ang panganay na si Ellie at surfer boyfriend na si Philmar Alipayo nitong Maundy Thursday.

Ayon kay Eigenmann, “more bearable and fun” ang kanyang pagdadalang-tao lalo’t kasama nitong mag-enjoy sa tag-init ang kanyang sariling pamilya.

Hindi naman daw nito hinihikayat ang iba pang buntis na gayahin ang kanyang paraan ng pag-ehersisyo habang buntis.

“Note: I surf with (just enough) knowledge of what I am doing, with my doctor’s permission, and with a professional surfer (@chepoxz) guiding me and making sure that the baby and I are ok. It’s my personal choice of exercise but doesn’t mean that its ok for every other pregnant lady to do this. Every person and every body is different.✌🏼 to all!” caption nito sa isa sa mga larawan.

-- Advertisement --

Sa panig ng kanyang bagong kasintahan, tila proud ito sa katapangan ni Andi na nasa anim na buwan na ang ipinagbubuntis.

Andi BF caption