Ibinida ni Andi Eigenmann na alam na niya kung paano malabanan ang tinatawag na postpartum depression na kadalasang nararanasan ng mga ina matapos manganak.

Nabatid na may isang buwan pa lamang mula nang isilang ni Andi ang kanyang third baby, pero pangalawang anak sa surfer husband to be na si Philmar Alipayo.

-- Advertisement --

Ayon sa 30-year-old actress, ang pagkakaroon ng positive mindset ang kanyang sandata para matabunan kung makakaramdam man muli ng “baby blues” o yaong mood swings mula sa saya at takot na dulot ng hindi maayos na pagtulog.

“Everyday, they are growing and we will never get this time back, so I’m choosing to look on the positive side of all of this and (I’m) really just been enjoying the super sarap feeling of having a newborn,” wika ng anak ni Jaclyn Jose.

Sa ngayon ay one year old pa lamang ang panganay nila ni Alipayo na isang babae, at babae rin ang kanyang naging anak sa ex-boyfriend na si Jake Ejercito.

Lalaki naman ang kanilang sumunod na anak na isinilang nitong Enero.

Disyembre noong nakaraang taon nang maging engaged sina Philmar at Andi kung saan pumatok ang kakaibang photoshoot nila na kinuhanan sa malalim na bahagi ng karagatan.