SEC ANDANAR
Sec. Andanar/ FB post

Ipinapaubaya na ni Communications Sec. Martin Andanar kay Pangulong Rodrigo Duterte ang pag-aanunsyo kung siya ay papalitan bilang PCOO head at ililipat sa bagong pwesto.

Una nang kumalat ang impormasyong illipat umano si Sec. Andanar bilang bagong Presidential Adviser on Political Affairs habang ang broadcaster na si Erwin Tulfo ang papalit sa kanya sa PCOO.

Sinabi ni Sec. Andanar, hindi pa naman siya kinakausap ni Pangulong Duterte kaugnay sa nasabing rigodon at wala pang pahiwatig na ililipat siya ng pwesto.

Ayon kay Sec. Andanar, kung ano ang mga kumalat na impormasyon sa media ay ganun din ang naririnig niya at wala siyang kumpirmasyon.

Naniniwala naman si Sec. Andanar na bilang matagal na nakasama sa industriya, kuwalipikado si Erwin Tulfo bilang PCOO secretary.