-- Advertisements --

Nagdesisiyon si dating world champion Jerwin Ancajas na manatil sa kaniyang junior bantamweight division.

Ayon sa trainer nito na si Joven Jimenez na susubukan niyang mabawi ang kaniyang IBF title ng talunin siya ni Fernando Martinez noong Pebrero.

Dagdag pa nito na humiling si Ancajas ng rematch Martinez.

Sa kasalukuyan kasi ay nagsasanay na si Ancajas sa Bukidnon habang pinaplano na ang kaniyang pagbabalik.

Isa kasi sa dahilan kaya natalo ito kay Martinez ay ang ginawan niyang weight-cutting kung saan labis itong nanghina dahil pagbawas ng timbang.