-- Advertisements --
Inamin ni Pinoy boxer Jerwin Ancajas na bumaba ang kaniyang morale matapos ang pagkatalo kay Takuma Inoue.
Bumagsak kasi ang Pinoy boxer sa loob ng siyam na round sa laban nila ni Inoue nitong Sabado sa Tokyo, Japan.
Sinabi nito na ito ang unang pagkakataon sa buong career niya na bumagsak siya dahil maging sa sparring sessions ay hindi ito bumabagsak.
Ipinaubaya na nito sa Maykapal ang anumang susunod na magaganap sa kaniyang career.
Ang plano nila ay paulanin ng suntok ang katawan ni Inoue subalit siya ang nakatanggap ng maraming body shots mula sa Japanese boxer.
Pagtitiyak niya na babangon siya mula sa pagkatalo subalit hindi niya binanggit kung sino ang susunod na makakalaban niya.