Rachel Peters and Migz
-- Advertisements --

NAGA CITY – Bininyagan na ang baby girl nila Camarines Sur Governor Migz Villafuerte at Rachel Peters kahapon sa St. Anthony Parish sa Iriga City.

Mababatid, Oktubre 14 ngayong taon nang isilang ni Rachel ang kanilang panganay na anak na si Baby Kaia.

Inanunsyo naman ng couple ang pagbubuntis ni Rachel, Mayo 19 ng parehong taon sa pamamagitan ng Instagram post

Ikinasal ang dalawa noong Hulyo 17, 2021 sa Korte Suprema, kung saan tanganing sila lamang ang presente sa nasabing seremonya.

Kung maaalala, taong 2019 nang isapubliko ng couple ang kanilang engagement at nagbalak na magpakasal ng nakalipas na taon, ngunit hindi ito natuloy dahil sa pademya.

-- Advertisement --

Samantala, balak naman ng couple na magpakasal sa susunod na taon kung saan kasama ang kanilang mga mahal sa buhay.

Unang nakilala si Rachel ng maging kinatawan ito ng Pilipinas sa Miss Universe pageant noong 2017.