Ilang kaabang-abang na kandidata ang kumpirmadong kasali sa Miss World Philippines ngayong taon.

Kabilang sa mga ipinakilalang official candidates, ay si Michelle Dee na simula nang sundan ang yapak ng inang si Miss International 1979 Melanie Marquez.

Makikipagtalbugan din ang dating child star na si Isabelle de Leon na siya mismong nag-anunsyo sa kanyang pagsali.

Ang 24-year-old TV host/actress/singer ay nakilala sa kanyang pagganap bilang best friend ng noo’y child star din na si Jiro Manio sa pelikulang “Magnifico” noong 2013.

Nagkaroon din siya ng papel sa sitcom na Daddy Di Do Du kung saan anak siya ni Vic Sotto.

Ilan sa mga major award sa Miss World Philippines ay ang pagiging kinatawan ng bansa sa Miss World, gayundin sa Reina Hispanoamericana pageant.

Katarina Miss Intercontinental 2017 Ph bet
Katarina, Fil-Am model turned beauty queen mula Davao City

Noong nakaraang taon, bigo ang pambato ng Pilipinas sa Miss World na si Katarina Rodriguez matapos itong hindi na makausad pa sa Top 30.

Pero naging abot-kamay naman ni Katarina ang 2017 Miss Intercontinental crown matapos tanghaling first runner-up.

Sa ngayon ay mayroon pa lamang isang Miss World crown ang Pilipinas sa pamamagitan ni Megan Young. (cover photo of the article)

Alyssa official swimsuit

Hindi rin naibigay ni Alyssa Muhlach Alvarez ang back-to-back Reina Hispanoamericana titles sa bansa, kasunod ng tagumpay ni “Winwyn” Marquez na siyang first ever Pinay na nakasungkit sa naturang pagkilala.

Si Alyssa ay kabilang sa showbiz clan kung saan magulang nito ang aktres na si Almira Muhlach at dating PBA (Philippine Basketball Association) star Bong Alvarez, habang tito niya si Aga Muhlach.