Reading Time: 1 minute

NAGA CITY – Napanatili ng Fuentebella ang kanilang pamamayagpag sa ika-apat na distrito ng Camarines Sur matapos na iproklama na ang pagkapanalo ng anak ni dating House Speaker at incumbent Rep. Noly Fuentebella.

Nitong Miyerkules ng hapon lamang nang iproklama na rin ang pagkapanalo ni dating Tigaon Mayor Arnie Fuentebella.

Tinalo ni Fuentebella ang kamag-anak ni Gov. Migz Villafuerte na si Nonoy Villafuerte Magtuto matapos makuha ang kabuuang boto na 120,464.

Si Arnie ang papalit sa kanyang ama at outgoing Cong. Noly Fuentebella.