Naghain ng kaniyang pagkakandidatura para maging pangulo ng Libya ang anak ni dating lider Muammar al-Gaddafi na si Saif al-Islam al-Gaddafi.
Makakatunggali nito sa December 24 election sina eastern military commander Khalifa Haftar, Prime Minister Abdulhamid al-Dbeibah at parliament speaker Aguila Saleh.
Makikita sa lumabas na mga larawan sa social media na nakasuot ito ng traditional brown robe at turban na may may balbas at salamin habang pinipirmahan ang mga dokumento para sa kaniyang kandidatura sa registration center sa Sebha.
Bagamat suportado ng maraming mga matataas na opisyal hindi lamang sa Libya at maging sa ibang bansa ay hindi pa rin ito nakakatiyak sa kaniyang pagkapanalo.
Magugunitang pumanaw ang nakakatandang Gadhafi noong 2011 ng ito ay pagbabarilin.