-- Advertisements --

Masayang inanunsiyo ni Puerto Rican pop star Bad Bunny na kabilang siya na magtatanghal sa halftime-show ng Super Bowl 60 sa susunod na taon sa California.

Sa kaniyang social media account ay ibinahagi nito ang labis na kasabikan na maging bahagi ng half-time show.

Ang nasabing anunsiyo ay ilang araw matapos na sabihin na iniiwasan niyang magsagawa ng konsiyerto sa US dahil baka arestuhin ng Immigration and Customs Enforcement (ICE) agents ang mga manonood na fans.

Gaganapin ang Super Bowl 60 sa Santa Clara, California sa Pebrero 8.