-- Advertisements --

Nasa pangangalaga ng grupo ni Abu Sayyaf Group (ASG) leader Hatib Hajan Sawadjaan ang umano’y anak ng mag-asawang suicide bombers na nasa likod ng Jolo Cathedral twin bombing.

Ito ay batay sa intelligence report na nakuha ni Interior and Local Government Secretary Eduardo Año.

Sa ngayon ay nasa Patikul area ang bata na subject ng paghahanap ng militar at mga pulis.

Naniniwala naman si Año na posibleng maging suicide bomber din ang bata sa hinaharap.

“We believed so this child entrusted to the care of ASG will become later or probably future suicide bomber, also you know they believe this particular cause na kulto na they will go to heaven if they die doing suicide bombing,” ani Año.

Kumbinsido rin ang kalihim na ang pares ng paa na narekober sa blast site ng isang babae at lalaki, ay pagmamay-ari ng mga magulang ng bata.

Nitong Martes ay inilabas na ng PNP Crime Laboratory ang resulta ng DNA test mula sa dalawang pares ng paa na hindi nag-match sa 23 nasawi sa pagsabog.

“Yes. Oo kasi yun, distinct siya hindi siya nag match sa identified victims casualties so meaning to say they belong to sa separate distincts persons, a male and a female and no one is claiming this body parts,” pahayag pa ni Año.