-- Advertisements --

Lalo pang pinatatag ng ginawang pag-amyenda sa Philippine Deposit Insurance Corp. (PDIC) charter ang banking system sa Pilipinas.

Ito ang sinabi ni Senate committee on finance chairman Sen. Sonny Angara, matapos mahimay ang naturang charter para mai-angkop sa kasalukuyang panahon.

Aniya, nasa hurisdiksyon na ng Bangko Sentral ng Pilipinas (BSP) ang PDIC, na dating nasa ilalim ng Department of Finance (DOF).

Sinabi pa ni Angara na ang ginawa ang pag-amyenda matapos ang malawakang pagkonsulta sa mga nasa sektor ng pananalapi, katuwang ang BSP.

Maituturing naman na makasaysayan ang pagkakapasa sa panukala dahil ang naging huling pag-amyenda sa PDIC charter noong 2009 ay pinangunahan naman ng yumaong si dating Senate President Edgardo Angara.