-- Advertisements --

Tuluyan ng tinanggal mula sa men’s basketball team ng Jose Rizal University (JRU) si John Amores.

Kasunod ito sa ginawang panununtok sa NCAA Seaon 98.

Ayon sa unibersidad na ang hakbang ay bilang bahagi ng internal process.

Una ng pinatawan ng indefinte suspension si Amores ng NCAA at JR dahil sa panununtok ng apat na basketball players ng De La Salle-College of St. Benilde noong Nobyembre 8.

Kasabay din nito ay inilagay din sa preventive suspension ng NCAA ang tatlong referee na nag-officiate sa laban ng JRU at CSB.

Sinabi ni Her Callanta ng Lyceum ang chairman ng binuong adhoc investigation committee na ang mga referee na sina Anthony Sulit, Dennis Escaros, at Antonio Baguion Jr ay inilagay sa preventive suspension habang nagsasagawa sila ng imbestigasyon.