Naniniwala si House Committee on National Defense and Security at Iloilo Rep. Raul Tupas na posibleng maging daan sa resumption ng peace process sa pagitan ng gobyerno at National Democratic Front ang ipinagkaloob na amnesty ng gobyerno sa mga dating rebelde.
Ayon kay Tupas, ang amnesty ay positibong hakbang para maisulong muli ang peace process dahil magsisilbi itong confidence building measures sa magkabilang panig.
Magbibigay daan din ito para maisulong ang peace process sa Bangsamoro Autonomous Region in Muslim Mindanao.
Umaapela si Tupas sa mga concerned government agencies na agad nang simulan ang mga programa para maibigay ang tulong sa mga rebeldeng nagbalik loob sa pamahalaan at sa kanilang pamilya.
Umaasa si Tupas na magrereport sa Kongreso ang Department of Justice at Office of the Presidential Adviser on the Peace Process kung ilang mga kaso, pamilya at persons deprived of liberty ang apektado ng amnesty.