Suportado ni House Ways and Means chairman Joey Sarte Salcerda ang pag-amiyenda sa economic provisions ng 1987 Constitution.
Ito ay matapos sabihin ni House Committee on Constitutional Amendments chairman Alfredo Garbin na sisimulan nila sa susunod na linggo ang padinig ukol sa Charter change.
Ayon kay Salceda, suportado niya ang pagbabagong gagawin sa economic provisions ng Saligang batas, lalo na sa foreign equity restrictions.
Matagal na kasi aiyang pinipigilan ng mga restrictions na ito ang pagiging agresibo ng pamahalaan pagdating sa national development tulad na lamang ng ginagawa ng kalapit na mga bansa gaya na lamang ng Vietnam, Thailand, at Malaysia.
Kung hahayaan lamang aniyang manatili ang umiiral na self-imposed restrictions sa ilalim ng Konstitusyon, hindi malayo na mauna pang umunlad ang Myanmar at Cambodia.
“The economic amendments were written at a time when land was most critical of all economic inputs. That is no longer the case now,” ani Salceda.
“There is a little value in a foreign corporation owning land in the Philippines with our highlu sophisticated office space market,” dagda pa nito.
Gayunman, sinabi ng kongresista na pag-aaralan nila ang nilalaman at mga probisyon ng Saligang Batas na nilalayong amiyendahan ng mga panukalang batas na nakabinbin sa komite ni Garbin.
“There are proposals for an exclusively economic change in the constitution. Others want comprehensive changes,” saad ni Salceda.
Pero aminado rin ito na mahigpit ang timeline na kailangan sundin lalo pa at simula Oktubre ay maari nang maghain ng kanilang certificate of candicacy ang mga tatakbo sa halalan sa susunod na taon.










