Muling magbibigay ang Amerika ng karagdagang military package na nagkakahalaga ng $500 million para sa Ukraine ayon sa Pentagon.
Ito ay bilang pagpapakita ng patuloy na suporta ng US para sa laban ng Ukraine kontra sa Russia sa gitna ng kinakaharap nito na resulta ng rebelyon ng kanilang Russian mercenary fighters.
Ayon sa Pentagon, kabilang sa ibibigay na military aid ng US ay ang Bradley fighting vehicles at Stryker armored personnel carriers at munitions para sa High Mobility Artillery Rocket Systems.
Pinopondohan ang naturang military package sa bisa ng Presidential Drawdown Authority ng US.
Ito na ang ika-41 inaprubahang security assistance package ng Amerika para sa Ukraine simula ng sumiklab ang invasion ng Russia noong Pebrero ng nakalipas na taon na umaabot na sa kabuuang $40 billion.