-- Advertisements --

Inihayag ni US President Joe Biden na bibigyan ng United States ang Ukraine ng mas advanced na mga rocket system at munitions para tumpak na matamaan ang mga pangunahing target sa larangan ng digmaan.

Ayon kay Biden, sila ay mabilis na kumilos upang magpadala sa Ukraine ng mga armas at bala upang maaari itong lumaban sa larangan ng digmaan at kasalukuyan itong nasa “negotiating table”.

Nauna nang tiniyak ng Biden administration na palakasin pa ang uri ng armas na inaalok nito sa Ukraine.

Ito ay sa pamamagitan ng pagpapadala ng mga advanced, long-range rocket system na ngayon ang nangungunang kahilingan mula sa mga opisyal ng Ukrainian.

Nauna nang hiningi ng Ukraine ang High Mobility Artillery Rocket System, na kilala bilang HIMARS, isang mas magaan na sistemang may gulong na may kakayahang magpaputok ng marami sa parehong uri ng mga bala gaya ng Multiple Launch Rocket System.