Inanunsyo ng American rock band na Foo Fighters na tuloy pa rin ang kanilang pagtugtog sa kahit pumanaw na ang kanilang drummber na si Taylor Hawkins.
Sa pahayag ng grupo, na itinuturing nila ang 2022 bilang mahirap at puno ng trahedya dahil sa pagpanaw ni Taylor noong Marso.
Ginunita rin nila ang kanilang pinagmulan sa nagdaang 27 taon na ang musika ay isang gamot at ang pagpapatuloy ng buhay.
Bagamat masakit sa kanilang pagkawala ni Taylor ay inaalala nila ang kanilang fans na naghihintay sa kanilang pagtatanghal.
Ang banda ay binubuo nina Dave Grohl, Nate Mendel, Pat Smear, Chris Shiflett, at Rami Jaffee.
Magugunitang noong Setyembre ay nagsagawa ang mga ito ng tribute concerts para kay Hawkins.
Ilan sa mga pinasikat nilang kanta ay ang “Everlong” , “The Pretenders” , “Learn to Fly” at “Best of You”.