-- Advertisements --
Nakatakdang ilunsad ng American rapper na si Snoop Dogg ang kaniyang premium coffee products.
Kasama niya sa nasabing negosyo si Indonesian coffee entrepreneur Michael Riady.
Tatawagin nila ang kanilang produkto na INOxyz na isang premium lifestyle coffee brand na ginawa at inspired ng makabagong henerasyon ng entrepreneurs at innovators.
Nagkilala ang dalawa ng magtungo ang rapper sa Indonesia.
-- Advertisement --
Kuwento ng rapper na ang tunay na pangalan ay si Calvin Broadus na mula pa noon ay may malaking bahagi sa kaniyang buhay ang kape dahil ito ang lagi niyang iniinom tuwing may mga proyekto siya sa musika at pelikula para hindi siya antukin.