-- Advertisements --

Kinasuhan ang American rapper na si A$AP Rocky dahil sa pamamaril.

Ang nasabing kaso ay naganap sa Hollywood noon pang nakaraang taon.

Ayon sa Los Angeles District Attorney’s office ang 33-anyos na rapper o Rakim Mayers sa tunay na buhay ay nahaharap sa two counts of assault gamit ang semiautomatic firearm.

Tinutukan umano ng ni Mayers ng baril ang dating kaibigan niya noong Nobyembre matapos ang pagtatalo.

Dalawang beses niyang binaril ang biktima na nagbunsod sa pagkasugat nito.

Naaresto ang rapper sa Los Angeles International Ariport noong Abril lulan ng private plane.

Unang naaresto na rin ang rapper sa Stockholm noong 2019 matapos na masangkot sa away kalsada.

Noong Mayo 13 ay isinilang ng asawa nitong si Rihanna ang anak nilang lalaki.