-- Advertisements --
Jennifer erin talbot naia
US national Jennifer Erin Talbot

Inaresto na naman ng mga tauhan ng National Bureau of Investigation-Ninoy Aquino International Airport (NBI- NAIA) ang babaeng American national na una nang naaresto dahil sa tangkang pagpuslit ng sanggol sa NAIA Terminal 3.

Si Jennifer Talbot ay inaresto ng NBI habang habang dumadalo sa hearing sa Pasay City Regional Trial Court (RTC) dahil sa isa pang kasong kidnapping.

Ang warrant of arrest laban kay Talbot ay inilabas ng Pasay City RTC Branch 109

Jennifer Talbot NAIA

Una na siyang naaresto at nakulong sa bansa matapos tangkaing magpuslit ng sanggol mula Davao pero nakapagpiyansa kaya muli itong nakalaya.

Pansamantalang ikukulong sa NBI Headquarters sa Maynila si Talbot.

Setyembre noong nakaraang tano nang dinakip ang naturang babae.

Ayon kay Atty. Manuel Dimaano ng NBI-International Airport Investigation Division (IAID), sinampahan noon si Talbot ng mga kasong paglabag sa Anti-Trafficking in Persons Act, Kidnapping, Serious Illegal Detention at paglabag sa Special Protection of Children Against Child Abuse, Exploitation and Discrimination Act.
.