Nakatakda nang pauwiin ng Bureau of Immigration (BI) sa kanilang bansa ang is 60-year-old American na wanted sa Alaska dahil umano sa pagdukot sa kanyang menor de edad na anak at dinala dito sa Pilipinas.
Ayon kay Immigration Commissioner Jaime Morente ang suspek na si Leo James Chaplin ay inaresto ng BI fugitive search unit (FSU) sa kanyang bangka sa Ocean View Yacht Club in Samal Island, Davao del Norte.
Sinabi ni Morente na kailangang ipa-deport na agad si Chaplin dahil mayroon nang deportation order ang BI board of commissioners sa banyaga noon pang June 218 dahil sa pagiging undesirable at undocumented alien.
Lumalabas na dinala niya ang kanyang mga anak sa Pilipinas noong 2014 na hindi alam ng kanyang ina.
Sa oras na maa-deport ang banyaga ay ilalagay na ang kanyang pangalan sa blacklist ng BI at kailanman ay hindi na makakabalik sa bansa.
Nakaditine ngayon si Chaplin sa BI detention facility sa Bicutan, Taguig City.