-- Advertisements --

TOLEDO, Ohio – Naging sentro ng re-election campaign ni US President Donald Trump ang pagkakapatay kay Iranian General Qassem Soleimani.

Sa kanyang talumpati sa Toledo City sa estado ng Ohio, wala itong pagsisisi sa pag-utos na patayin ang Iranian general sa kabila ng mga batikos ng Democrats dahil nakamit nila ang aniya’y “American justice.”

Iginiit ng 73-year old US president na pinaplano ni Soleimani ang marahas na protesta ng Iran-backed groups sa US Embassy sa Baghdad kamakailan.

“Last week the United States once again took the bold and decisive action to save American lives and deliver American justice,” ani Trump na umani ng masigabong palakpakan mula sa mga nagsipagdalo sa event.

“Soleimani was actively planning new attacks and he was looking very seriously at our embassies and not just the embassy in Baghdad, but we stopped him and we stopped him quickly and we stopped him cold,” dagdag pa nito.

Kung maaalala nitong Enero 3, mismong ang Pentagon ang nagkumpirma ng pagkakapatay kay General Qasem Soleimani na siyang pinuno ng Revolutionary Guards’ elite Quds Force ng Iran.

Ito’y sa gitna ng isinagawang rocket attack sa airport ng Baghdad na siyang kabisera ng Iraq.

Ayon sa Pentagon o ang headquarters building ng Defense Department ng Amerika, ang naturang airstike ay alinsunod sa direktiba ni President Donald Trump upang mapigilan ang anumang planong pang-aatake ng Iran sa hinaharap. (CNA)