Inanunsiyo ng sikat na American illusionist na si David Blaine ang pagsasagawa nito ng kakaibang stunt.

Sa kaniyang social media, sinabi nito na mapapanood sa kaniyang YouTube channel ang “Ascension” sa darating na August 31.

Ito ang unang pagkakataon na magsasagawa ng stunt si Blaine sa halos 10 taon.

Makikita sa teaser ng video na maaaring lumipad sa mundo si Blaine na siyang pinakamalaking performance niya sa kaniyang buong buhay.

Sinasabing ito ay lulutang sa Hudson River mula New Jersey hanggang New York habang nakakapit sa mga helium balloons.

Huling malaking stunt nito ay noong 2000 ng sinubukan niyang manatili sa loob ng yelo sa loob ng 72 oras subalit ito ay nabigo.