-- Advertisements --
image 164

Ibebenta na ang American Professional Football team na Washington Commanders.

Ito ay matapos pumayag ang mag-asawang owner na sina Dan at Tanya Snyder na maipasakamay ang nasabing team sa grupo ng mga bilyunaryo na kinabibilangan ni Josh Harris, isang investor na nagmamay-ari rin ng mga team sa NBA at NHL.

Ang nasabing team ay napagkasunduang maibenta sa halagang $6.05 Billion o katumbas ng 334.5 Billion Pesos.

Kung ikukumpara sa iba pang mga franchise sale sa kasaysayan ng Football, ang nasabing halaga ay pinakamalaki na, kung saan ang dating may hawak dito ay ang $4.65B na napagbentahan sa koponan na Denver Broncos nitong nakalipas na taon.

Batay sa naging kasaysayan ng Washington Commanders, nabili ito noong 1999 sa halagang $800M lamang, ngunit sa paglipas ng panahon, marami ang naidagdag sa fanbase nito, kasama na ang jersey sales, hanggang sa umabot ang halaga nito sa mahigit anim na bilyong dolyar.

Sinasabing maliban sa grupo ni Harris, kabilang sa mga nag-offer na bibilhin ang nasabing team ay ang may-ari ng Houston Rockets na si Tilman Fertitta, Jeff Bezos, at iba pa.