-- Advertisements --

Hindi sinisisi ni Amber Heard ang mga jury matapos na panigin ang dating asawang si Johnny Depp sa defamation case nito.

Ayon sa actress, na wala itong sinisisi at kahit na pinapanagot silang dalawa dahil sa defamation case.

Dagdag pa nito na naiintindihan niya ang naging desisyon ng mga jury.

Alam nito na magaling na actor ang dating asawa kaya marunong itong gumawa ng mga kuwento.

Wala na rin aniya itong pakialam kung ano ang tingin sa kaniya ng mga tao.

Magugunitang pinapanagot ng jury sina Heard at Depp sa defamation case kung saan pinagbabayad ng mas mataas na halaga ang actress kumpara sa dating asawa nito.