Hinikayat ng envoy ng Japan sa Pilipinas ang mga Pilipino na bisitahin ang Land of the Rising Sun dahil niluwagan na nga ang restrictions sa gitna ng pandemya.
Sa pahayag ni Ambassador Koshikawa Kazuhiko na ang indibidwal at group travels sa Japan ay maaari na ngayong tangkilikin habang bumuti ang sitwasyon ng COVID-19 sa kanila.
Ang mensaheng ito ay dumating matapos alisin ng gobyerno ng Japan sa parehong araw ang pagsuspinde sa validity ng multiple-entry visa, na ipinataw noong Marso 2020 sa kasagsagan ng pandemya.
Samantala, ang mga nakakuha ng kanilang visa sa panahon kung kailan ipinatupad ang pagsususpinde ay kailangang magsumite ng bagong visa application dahil sa visa policy ng Japanese government.
Ayon pa sa embahada para naman sa mga kinakailangan sa visa, ipagpatuloy nila ang regular process mula October 11, 2022 kabilang ang non-packaged tour for individual tourism, business visa, at APEC Business Travel Card.
Dagdag pa dito, hindi na umano hihingi ng ERSF Certificate, kung saan ang tumatanggap ng mga organisasyon sa Japan tulad ng mga kumpanya, ministries, at travel agencies ay kinakailangang makuha para sa mga travellers. (with reports from Bombo Chill Emprido)