-- Advertisements --

Pormal na nanumpa bilang permanent representative sa World Trade Organization (WTO) sa Geneva, Switzerland si Ambassador Manuel Antonio Teehankee.

Isinagawa nito ang panunumpa sa harap ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr.

Sa Facebook post mismo ni Marcos ay inanunsiyo nito ang muling pag-upo ni Tehankee sa nasabing posisyon.

Naging ambassador na kasi siya nasabing posisyon mula 2004 hanggang 2011 at hanggang 2017 sa panahon ni dating pangulong Rodrigo Duterte.

Si Tehankee na isang Ateneo School of Law professor ay naging chairperson ng WTO Committee on Trade and Environment mula 2008 hanggang Oktubre 2011.

Sa nasabing panahon rin ni dating angulong Duterte ay naging Ambassador at Philippine Permanent Representative to the WTO.