DAGUPAN CITY – Nagtamo ng malalim na sugat sa kanyang kaliwang braso ang isang 21-anyos na lalaki matapos itong saksakin ng kanyang amain sa bayan ng Manaoag sa Pangasinan.

Kinilala ang biktima na si Jaypee Ayad, residente ng Brgy. Baginay sa nabanggit na bayan.

Ayon sa mga otoridad, nag-ugat ang nasabing krimen matapos na bigong mai-park ng amain ni Ayad ang kanyang tricycle sa labas ng kanilang bahay.

Nakaharang kasi umano ang motorsiklo ng biktima bagay na kinainis ng suspek.

Nagalit umano ito sa pamamagitan ng pag aamok at bigla na lamang sinaksak ang biktima gamit ang dala nitong patalim.

Napag alaman naman na lasing ang amain ni Ayad ng mangyari ang insidente.

Kasalukuyan namang nagsasagawa ng manhunt operation ang mga otoridad dahil agad umanong tinakasan ng suspek ang ginawa nitong krimen.