Mark Gayon
Mark Gayon/ FB image

Umaapaw sa tuwa ang ama ng danceport Gold medalist na si Mark Jayson Gayon matapos nitong masungkit ang gold medal sa kategoryang Slow Dance Foxtrot at Single Dance Waltz sa 30th SEA Games.

Sa exclusive interview ng Star FM Baguio kay Benny Gayon, emosyonal nitong ibinahagi ang kaniyang kasiyahan sa pagkamit ng gintong medalya ng kaniyang anak.

“Sobra-sobra kasi dream come true yun para sa amin, kasi kami naman ay mahirap lang di ko inaasahan na maabot ng anak ko yung ganun. Emosyonal lang po talaga ako”

Dagdag pa nito, noong 2017 pa lang nagsimula si Mark Jayson sa larangan ng dancesport ngunit nagpamalas na ito ng angking galing sa pagsasayaw.

“Isinasama ko lang po para maging scholar ng Studio 116 kung saan po siya nanggaling. Bale natuto lang po sila sa dance studio kasi natutukan ko po sila, pati po mga kapatid niya sumasayaw at dancesport champions din po yung mga kapatid niyang babae.”

Nakuha ni Gayon at ng kanyang partner na si Mary Joy Renigen ang dalawang gold medals sa Single Dance Waltz na may score na 29.950 gayundin sa Single Slow Foxtrot na may kabuuang score na 30.200.