ROXAS CITY – Itinuring na masamang panaginip ng isang dalagita ang panghahalay sa kanya ng stepfather sa isang bayan sa Capiz.

Sa loob kasi ng tatlong taon ay ginawang sex slave ng suspek ang 17-anyos na biktima kung saan unang ginahasa ni alyas Rene si alyas Nene noong Setyembre 1, 2016 hanggang buwan ng Pebrero taong kasalukuyan.

Nalaman lamang ang kahayupang ginagawa ng suspek sa dalagita matapos naglakas loob si alyas Nene na magsumbong sa kanyang kamag-anak na agad humingi ng tulong sa mga pulis.

Hindi akalain ng biktima na magagawa siyang gahasain ng stepfather na itinuring niyang pangalawang ama.

Sa ngayon ay nasa kustodiya na kanyang kamag-anak ang biktima matapos umalis sa kanilang bahay.

Sasampahan naman ng limang bilang ng kasong rape at paglabag sa Republic Act 7610 o Anti Child Abuse Law ang suspek.