-- Advertisements --
Labis ang kasiyahan ni Filipina volleyball star Alyssa Valdez matapos na mapili siya bilang flag bearer sa Southeast Asian Games sa Cambodia.
Sinabi nito na isang malaking karangalan pero is rin itong malaking responsibilidad kaya labis itong nagpapasalamat sa muling pagkapili sa kaniya.
Unang naging flag bearer siya ay noong 2015 SEA Games sa Singapore.
Magugunitang napili ni Philippine Olympic Committee President Abraham “Bambol” Tolentino si Alssa dahil hindi lamang siya ang mukha ng volleyball sa bansa at sa halip ay sa buong bansa.
Sa unang pagkakataon kasi ay pawang mga Filipina ang paparada sa opening ceremony na tanging sina Tolentino at chef-de-mission Chito Loyzaga lamang mga lalaki na kasama sa parada.










